NEW YORK (AFP) — Ipinagpaliban ni Don McLean, ang singer ng classic pop song na American Pie, ang kanyang tour sa Australia sa hangaring maisaayos ang gusot nila ng kanyang asawa kaugnay sa umano’y pananakit.

Kinumpirma nitong Biyernes ng 70 taong gulang na folk rocker na pansamantalang hindi matutuloy ang kanyang 11 show, na nakatakdang magsimula sa Marso 14 sa Hobart, Tasmania, hanggang sa nasabi ring petsa sa 2017.

Ang pagkakaantala ay, “to allow Don McLean and his family time to work at reuniting,” ayon sa pahayag ng kanyang management.

“This is an unprecedented moment in the family history.”

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay

Matatandaang inaresto si McLean noong nakaraang buwan sa kanyang tahanan sa northeastern US state of Maine, nang tumawag ng pulis ang kanyang asawa na si Patrisha dahil umano sa pananakit niya.

Taong 1971 nang ilabas sa publiko ang American Pie at naihanay sa pinakamagagandang awitin sa kasaysayan.