Hiniling sa Supreme Court (SC) noong Biyernes na mag-isyu ng show cause order laban sa Commission on Human Rights (CHR) at ipaliwanag kung bakit hindi ito dapat i- cite ng contempt of court sa pakikialam sa kaso ni Senator Grace Poe-Llamanzares.

Sa 15-pahinang urgent manifestation with motion, sinabi ni Atty. Manuelito Luna, abogado ni dating Senator Francisco “Kit” S. Tatad, na maaaring mag-isyu ang SC ng show cause order laban kina CHR Chairperson Jose Luis Martin C. Gascon at Commissioners Gwendolyn LL. Pimentel-Gana, Karen Lucia S. Gomez, Leah C. Tanodra-Armamento at Robert Eugenio T. Cadiz.

“CHR officials should be told that the matter being litigated does not concern foundlings in general,” sabi ni Luna.

Nitong iyerkules, pinaalalahanan ng CHR, sa isang memorandum, ang SC na mayroong obligasyon ang Pilipinas na tiyakin ang kapakanan ng isang bata, kabilang na ang mga foundling tulad ni Senator Grace Poe.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ipinaliwanag ng CHR na by nature, self-executing ang karapatan ng isang foundling sa Philippine nationality at birth, nangangahulugan na hindi na kailangang magpasa ng batas ang Kongreso bago maituring na Filipino citizen ang isang foundling.

“By its nature, the right to a nationality of foundlings is an independently enforceable human right,” ayon sa CHR.

(PNA)