CARACAS (AFP) — Nilayasan ng mga mambabatas ang sesyon ng opposition-led legislature ng Venezuela nitong Huwebes, at inakusahan ang mga tagasuporta ng gobyerno ng panggugulo sa huling bangayan sa pulitika ng bansa.

Nagtipon ang mga deputado sa National Assembly upang pagdebatehan ang mosyon na ibalik ang mga lupang sinamsam ng gobyerno sa mga may-ari nito, isang hakbang na tinututulan ng gobyerno ni President Nicolas Maduro.

Nang tangkain ng mga mambabatas ng oposisyon na magsalita, nilunod sila ng mga sigawan at boo ng mga nagpoprotesta sa public gallery na tumangging umalis.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture