Lady Gaga copy

LOS ANGELES (AP) – Para kay Lady Gaga, na minsang naging biktima ng panggagahasa, ang pagtatanghal niya ng Til It Happens to You, awitin tungkol sa pang-aabuso sa mga paaralaan, sa Academy Awards sa Linggo, ay liberating o magpapagaan sa kanyang pakiramdam.

“It’s something in my life that’s always really kind of defined me up until this point. In a strange way I feel like it won’t define me anymore after I sing it on TV at the Oscars, if I can let it go maybe,” pahayag ni Gaga sa isang panayam ng The Associated Press.

Si Gaga ay dumanas ng pang-aabuso noong siya ay 19 na taong gulang. Ang Til It Happens to You, na isinulat ni Diane Warren at nominee rin para sa best original song, ay napakinggan sa The Hunting Ground, isang dokumentaryo tungkol sa pang-aabuso. Ito ay idinerehe ni Kirby Dick.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Ayon sa pop star, ang pagkakaroon ng unang Oscar nomination sa awiting seryoso at mabigat na usapin, “makes it extra-special.”

“They really and truly nominated the issue of sexual assault on campuses. … People all over the world that have suffered with any kind of pain or trauma, (if) they are having trouble being brave, this song is for them,” ani Gaga.

Sinabi rin ni Gaga na isang karangalan na maging nominado kasama si Warren, na kinumpirmang ito na ang kanyang ikawalong Oscar nomination. Hindi pa nananalo si Warren sa kabila ng paulit-ulit na nominasyon. Siya ay naging nominado rin para sa I Don’t Want to Miss a Thingat at Because You Loved Me.

“She publicly talked about being sexually assaulted herself and I thought, ‘You know what, I’m going to just take a chance and call her and see if she’s open to this.’ And you never know because someone can get pissed off or something if it’s too personal, but she really responded,” pahayag ni Warren. “I got on a plane and we went into the studio.”

Nominado rin ang Writings on the Wall ni Sam Smith, ang Earned It ng The Weeknd, Simple Song #3 ni David Lang, at ang Manta Ray nina J. Ralph at Antony Hegarty.

Ang Academy Awards ay mapapanood nang live sa Dolby Theatre in Hollywood, California. Magsisimula ang show sa Linggo, sa ganap na 8:30 ng gabi sa ABC.