Nagbabala ang isang election lawyer laban sa paggamit ng mga sasakyang pag-aari ng gobyerno sa pangangampanya.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, maituturing ito na paggamit ng government fund o property para sa isang partisan political activity.

Aniya, kapag napatunayan ang naturang alegasyon ay maaari umano itong maging batayan para sa diskuwalipikasyon ng isang kandidato.

Sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations ng Fair Elections Act, iginiit ni Macalintal na ipinagbabawal na gamitin sa kampanya ang mga sasakyang mayroong government license plate.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Una nang kumalat sa social media ang larawan ng isang pick-up na kulay itim, at may plakang SKD 417, na may sakay na mga dilaw na poster na naglalaman ng mga katagang “Daang Matuwid: Roxas.”

Dahil dito, nananawagan ang mga netizen sa Commission on Elections (Comelec) na gumawa ng hakbang hinggil sa naturang isyu. (Beth Camia)