CEBU CITY – Pawang nakalusot ang lahat ng boxers sa isinagawang weigh-in para sa Pinoy Pride 35 ngayon sa Waterfront Hotel and Casino dito.

Pambato ng bansa sina ALA promotion fighter “Prince” Albert Pagara, Mark “Magnifico” Magsayo, at Kevin Jake “KJ” Cataraja, laban sa foreign rival na inaasahang magbibigay ng magandang laban sa crowd-favorite.

Itataya ni Pagara ang kanyang WBO Intercontinental Junior Featherweight Championship kontra kay Nicaraguan Yesner Talavera. Tumimbang ang Pinoy ng 120 lbs, habang may bigat na 121.5 ang challenger, pasok sa 122 lbs. limit na timbang para sa kanilang 12-round main event fight.

Tumimbang naman si reigning WBO Youth Featherweight Champion Magsayo ng 125 lbs, gayundin ang kanyang karibal na si Eduardo “Fierita” Montoya ng Mexico.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Wala ring naging problema sina Cataraja at karibal na si Tony Rodriguez ng Mexico sa 113 lbs. duel.

Walang gurlis ang marka ni Pagara (25-0, 18KOs) at inaasahang mananatili ito sa kabila ng matikas na karanasan ng karibal na may kartang (15-3, 4KOs) sa main event ng “Pinoy Pride 35: Stars of the Future” fightcard.

“Albert is in the horizon being the WBO ranked No.2 and we knew he always wanted to fight for the world title.

Hopefully, he does well in this fight and from there we will see if we can finally give him a chance,” sambit ni ALA Promotions President and CEO Michael Aldeguer.

Kumpiyansa rin si Pagara na nangako na hindi bibigyan ng pagkakataon ang karibal na makasingit sa laban.

“I already knew his style and I am prepared for him,” sambit ng 21-anyos na si Pagara. “He (Talavera) said that there is a chance that he would knock me out, but I think it would be the other way around.”

“This is another chance for me to show that I have what it takes to be a world champion in the future and I would be glad to do it in front of the Cebuano fans,” aniya.

Anuman ang maging kaganapan ng laban, sinabi ni Aldeguer na nakaprograma na ang mas malalaking laban para kay Pagara.

“We are already planning a big card in July 9 at San Francisco (California) headlined by Albert, but we are not looking past Talavera who I see is a very skilled boxer,” pahayag ni Aldeguer.