Lumala pa ang sitwasyon ng mga manggagawa tatlumpong taon ang lumipas matapos ang EDSA People Power ng 1986 na nagwakas sa diktaduryang pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na sa panahon ng termino ni dating pangulong Corazon “Cory” Aquino, na sumunod sa administrasyong Marcos, ilang anti-labor policies ang ipinatupad.

“While EDSA People Power promised change for all Filipinos, it actually signaled intensified attacks on workers, many of which continue to this day. The regimes that came to power after 1986 implemented neoliberal ‘free market’ policies that assaulted workers’ rights on order to increase the profits of big foreign and local capitalists,” pahayag ni KMU Chairperson Elmer Labog sa ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power revolution.

Sinabi niya na kinabibilangan ito ng Wage Rationalization Law at Salary Standardization Law of 1989, na inilipat ang wage-fixing responsibility sa regional wage boards mula sa Kongreso.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inakusahan din ng labor leader ang termino ni Aquino na nagbigay-daan upang maging laganap ang contractual employment sa pamamagitan ng pagpapasa sa tinatawag na Herrera Law, na inamyendahan ang Labor Code of 1974, ginawang national policy ang labor export, at lumikha ng mga special economic zone, “where most workers are contractual subjected to strict surveillance.” (Samuel Medenilla)