MALIGAYANG Araw ng Kalayaan ng Dominican Republic!

Pebrero 27, 1844 nang matamo ng Dominican Republic ang kalayaan nito mula sa Haiti. Pinangunahan ng French nationalist na si Juan Pablo Duarte mula sa Santo Domingo na nagtatag ng sekretong samahan na “La Trinitaria,” naglunsad ng kudeta laban sa mga pinunong Haitian at sila “successfully established the Dominican Republic’s independence as a sovereign state with a shot from the ‘Puerta del Conde’ in Santo Domingo and the rise of the Dominican blue, red, and white flag.”

Upang ipagdiwang ang okasyon, karaniwan nang inilaladlad o isinusuot ng mga Dominican ang watawat ng bansa. Ang unang bandilang Dominican ay idinisenyo at nilikha ni Maria Trinidad Sanchez. Gumamit siya ng kulay asul upang maging simbolo ng mga biyaya ng Diyos, pula para sa dumanak na dugo ng mga nakipaglaban para sa kalayaan, at puti ang ikinulay sa krus bilang simbolo ng kalayaan. Nagsasama-sama rin ang mga tao para magsalo sa mga tradisyunal na pagkain, gaya ng plantain mash o mangu, piniritong keso, pritong sausage, at kanin. Masaya rin silang nakikinig ng musika ng mga paborito nilang lokal na mang-aawit.

Tuwing Pebrero, nagdaraos ng mga parada, paligsahan, at iba pang aktibidad. Nagsusuot ang mamamayan ng makukulay na costume upang katawanin ang iba’t ibang relihiyoso at tradisyunal na karakter. Ilalahad din ng pangulo ng republika ang talumpati nito na isinahihimpapawid sa lahat ng media.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang Dominican Republic, na tanyag sa sigarilyo nito, ay isang bansa sa isla ng Hispaniola. Ito ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Caribbean (kasunod ng Cuba). Nasa bansa rin ang pinakamatandang siyudad sa mundo nasa New World, Santo Domingo, na tinatampukan ng mga kalsadang gawa sa naglalakihang isinalansang bato, at mga sinaunang bahay na gawa sa lumang bato. Dahil sa mga golf course ng bansa, ang Dominican Republic ay mabilis na nakikilala bilang pangunahing golf destination sa Caribbean. Bukod sa naggagandahan at may puting buhangin na dalampasigan nito at mga world-class na golf course, ang bansa ay may iba’t ibang rainforest, savannah, at kabundukan, na kinabibilangan ng Pico Duarte, ang pinakamataas na bundok sa Caribbean.

Binabati namin ang mamamayan at ang gobyerno ng Dominican Republic, sa pangunguna ni Presidente Danilo Medina Sanchez, sa pagdiriwang nila ng Araw ng Kalayaan.