Ang Sandiganbayan Third Division ang naatasang hahawak sa kasong kriminal na inihain laban sa sinibak na alkalde ng Makati City na si Jejomar Erwin “Junjun” Binay, kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nito sa maanomalyang konstruksiyon ng Makati City Building 2 na aabot sa P2.2 bilyon.

Ito ay matapos mai-raffle ang kaso sa Sandiganbayan sa Quezon City kahapon.

Ang Third Division ay pinamumunuan ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na siya ring humahawak sa plunder at graft case na inihain laban kay Senate Minority Floor Leader Juan Ponce Enrile kaugnay ng pork barrel scam.

Nitong Pebrero 19, nagsampa ang Office of the Ombudsman ng kasong two counts of violation ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at anim na bilang ng falsification of public documents.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Inirekomenda ng Ombudsman ang piyansang P30,000 sa kada kaso ng graft at P24,000 sa bawat falsification of public documents, o kabuuang P204,000 para sa pansamantalang kalayaan ng dating alkalde.

Ito ay matapos ideklara ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na mayroong “probable cause” upang kasuhan si Junjun Binay dahil sa maanomalyang pagpapatayo sa Makati City Hall Building 2 mula 2007 hanggang 2013. (Jeffrey C. Damicog)