ZAMBOANGA CITY – Dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang inaresto nitong Huwebes ng umaga, habang isa namang nagbebenta ng ilegal na droga ang napatay sa engkuwentro sa isang liblib na sitio sa Barangay Busbus sa Jolo, Sulu.

Kinilala ni Brig. Gen. Alan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, ang mga nadakip na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf na sina Al-Aziz Hadjiru Binang, 24; at Annuar Dalawis Hamid, alyas “Totoh”, 25, kapwa tagasunod ni Alden Bagade, sub-leader ng Abu Sayyaf na nakabase sa Indanan, Sulu.

Samantala, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng napatay na hinihinalang drug pusher. Pansamantalang inilagak ang kanyang bangkay sa police headquarters sa Jolo, ayon kay Arrojado.

Sinabi ni Arrojado na nagsimula ang sagupaan dakong 10:30 ng umaga nitong Huwebes, matapos na salakayin ng mga pulis ang isang drug den.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nasa loob ng sinasabing drug den sina Binang at Hamid.

Ayon kay Arrojado, narekober ng militar mula sa drug den ang isang K-G9 pistol, isang samurai sword o katana, at drug paraphernalia.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf, ayon kay Arrojado. (Nonoy E. Lacson)