JOHANNESBURG (AP) — Isang unibersidad sa South Africa ang inililikas at pansamantalang isinara matapos silaban ng mga nagpoprotestang estudyante ang mga gusali sa campus.

Sinabi ni North-West University spokesman Koos Degenaar nitong Huwebes na nasunog ang administration block na kabilang na ang science center, noong Miyerkules ng gabi. Sinunog din ng mga estudyante ang tirahan ng dormitory supervisor.

Ayon kay Degenaar, nagsimula ang karahasan matapos guluhin ng mga nagpoprotesta ang pagpupulong ng Students Representatives Council. Lalong uminit ang sitwasyon nang sikapin ng mga guwardiya na patigilin ang kaguluhan gamit ang tear gas at rubber bullets.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina