UNITED NATIONS, United States (AFP) – Nagsagawa ang United Nations nitong Miyerkules ng unang humanitarian airdrop sa Syria upang matulungan ang libu-libong mamamayan na nahaharap sa matinding kakulangan ng pagkain sa lungsod na winasak ng mga Islamic State jihadist.

‘’Earlier this morning, a WFP plane dropped the first cargo of 21 tonnes of items into Deir Ezzor,’’ sa silangan ng Syria, sinabi ni UN aid chief Stephen O’Brien, sa Security Council na ipinatawag para talakayin ang humanitarian crisis.

Sinisikap ng mga ahensiya ng UN na pabilisin ang paghahatid ng mga tulong sa Syria bago magkabisa ang pagtigil ng karahasan sa Biyernes ng hatinggabi upang maisulong ang kapayapaan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'