CEBU CITY – Nangako si Nicaraguan champion Yesner “Cuajadita” Talavera na gugulantangin niya ang home crowd at ang mundo ng boxing.

Siksik at liglig ang kumpiyansa ni Talavera (15-3-1, 4KOs) na madudungisan niya ang dangal at ang malinis na marka ni ‘Prince’ Albert Pagara (25-0, 18KOs) sa kanilang duwelo sa main event ng Pinoy Pride 35:Stars of the Future bukas sa Waterfront-Cebu City Hotel and Casino a Barangay Lahug dito.

Nakataya sa 12-round fight card ang WBO Intercontinental super bantamweight title ni Pagara.

“Talavera is an all-around boxer. He’s a bell-to-bell fighter who loves to charge towards his opponent. He’s a well-respected champion in Nicaragua that is why it is going to be a tough battle for him (Pagara),” pahayag ni Rosendo Alvarez, trainor at interpreter ni Talavera.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Itinututing na all-time boxing great sa Nicaragua at tanging boxer na nagpabagsak kay Mexican ring legend Ricardo “Finito” Lopez sa kanilang duwelo na nauwi sa split draw para sa WBA minimumweight championship noong November 13, 1998.

“It’s one of the best fights I fondly recall in my career,” sambit ng tinaguriang ‘El Bufalo’.

Ayon kay Alvarez, dating two-division world champion, naipasa niya ang kanyang nalalaman kay Talavera kung kaya’t walang duda na may kalalagyan ang Pinoy champion.

“We have nothing else in mind than to win,” aniya.

Bukod kay Talavera, handa na rin sina Mexican brawlers Eduardo “Fierita’ Montoya at Tony Rodriquez sa duwelo na hatid ng ALA Promotion.

Tatangkain ni Montoya (13-4-1,13KOs) na maagaw ang WBO Youth featherweight crown kay Mark “Magnifico” Magsayo (12-0, 10KOs), habang sasabak si Rodriguez (3-1, 1KO) kontra kay dating amateur champion Kevin Jake “KJ” Cataraja (2-0, 2KOs).