Man with glass

NATUKLASAN sa bagong pag-aaral na tumataas ang bilang ng nabibiktima ng kidney stones. At hindi lang ang pagdami ng kaso ang ikinagulat ng mga doktor, kundi napag-alaman din nilang mas lumala pa ang kalagayan ng mga mayroon nito, kabilang na ang mga bata.

Gaano nga ba karami ang nabibiktima ng kidney stone:

Ito ang karaniwang uri ng urinary tract.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Taun-taon, sa United States, mahigit isang milyong katao ang nagtutungo sa ospital at mahigit 300,000 ang isinusugod sa emergency room dahil sa problema sa kidney stone.

Aabot sa 19 na porsiyento ng kalalakihan ang may kidney stone, at siyam na porsiyento naman sa kababaihan na nasa edad 70.

Sa isang pag-aaral noong 1997 at 2012, tumaas ng 16 na porsiyento ang mga kaso ng kidney stones.

Mas marami sa babae ang nabibiktima ng nasabing sakit na nasa edad 25 pababa, kumpara sa mga lalaki.

Ano nga ba ang kidney stone?

Ang kidney stone ay maliit, matigas, at crystallized deposit na gawa sa mineral at acid salt na nabubuo sa kidney ng isang tao. Ang nilalabas natin sa pag-ihi ay binubuo ng iba’t ibang chemical, katulad ng calcium, oxalate, urate, cysteine, xanthine at phosphate.

Kapag ang ating ihi ay madilaw, ibig sabihin maraming dumi at kakaunti ang tubig natin sa katawan, at nagsisimulang mabuo ang crystal. Unti-unti itong mamumuo at maaaring lumaki hanggang sa maging bato.

Anu-ano ang mga sanhi ng kidney stone?

Walang eksaktong dahilan kung bakit nagkakaroon ng kidney stone, at minsan, ay hindi matukoy kung bakit nagkaroon ng kidney stone ang isang tao.

Gayunman, may iba’t ibang uri ng kidney stone na makakatulong sa pagtukoy kung ano ang sanhi nito.

Halimbawa, ang calcium kidney stone ay isa sa karaniwang uri. Ang Oxalate kidney stone ay dahil sa oxalate, na karaniwang makikita sa mga pagkain. Habang ang uric acid stone ay nangyayari sa mga hindi mahilig uminom ng tubig o kumain ng protein.

Paano ba ito magagamot? 

Ang paggamot ay nakadepende sa sukat ng bato. Kapag ang kidney stone ay mas maliit sa four millimeter, maaaring matanggal ang bato sa pamamagitan ng pag-ihi, pag-inom ng maraming tubig, at pag-inom ng pain reliever upang hindi gaanong maging masakit ang pag-ihi.

At sa mga kidney stone na malaki na ang bato, hindi na ito makukuha sa pag-inom ng maraming tubig at pag-ihi. Kinakailangan na itong sumailalim sa surgery o shock-wave lithotripsy. (Fox News)