Ogie copy

INAMIN ni Ogie Alcasid nang mainterbyu pagkatapos ng Q and A portion sa presscon ng Happy Truck Happinas na susuportahan niya ang kandidatura ni Sen. Grace Poe kaya sasama siya sa ilang sorties nito.

“Sayang, hindi ko nga napanood ‘yung debate kasi nasa Australia ako, pero from what I saw, I think she did very well. So ‘yung susunod is with TV5 at I’m excited to go to Cebu, I wanna be there to give moral support to Grace,” pahayag ng isa sa main hosts ng Happy Truck Happinas.

Natanong din si Ogie tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng kaibigan niyang si Saranggani Rep. Manny Pacquiao at kung nagkausap na sila.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Hindi, eh, I was also in Australia. More or less (we) came with the same faith not with the same church, pero hindi pa kami nagkakasama sa prayer meeting. But you know, we’re all Christians and I’m happy, you know, let’s finish, let’s move on on that issue,” pakiusap ni Ogie.

Nabanggit ng mga katoto na ang kanyang asawang si Regine Velasquez ay maraming kaibigang gay.

“O, yes, I love our gay friends, I played gay roles all the time. I think, it’s important that we forgive and probably heal first, maraming nasaktan, eh. It’s understandable.”

Naitanong namin ang isyu sa ama ni Ogie na hindi raw nakabayad ng tax kaya kinasuhan ng BIR.

“My father? Ah no, ‘yung company nila, I think naayos na nila ‘yun. Hindi siya, mahirap lang ang tatay ko, ha-ha-ha.

Mahirap lang kami,” tumawang sagot nito.

Binanggit namin na nagmamay-ari sila ng rural bank sa Batangas, base sa research namin, kaya bago ka magkaroon nito ay may milyones na pondo.

“Yeah, but my father is almost retired so he doesn’t pay many taxes, it’s the company he works for,” diin ni Ogie.

Binanggit namin na dahil siguro kilala ang daddy ni Ogie bilang ama niya kaya ginamit ang name nito para sa tax case.

“Siguro, pero okay na ‘yun,” diin ulit ng mister ni Regine sa amin. (Reggee Bonoan)