Isang pinaghihinalaang kumander ng New People’s Army (NPA) ang napatay ng mga sundalo ng 68th Infantry Battalion sa engkuwentro sa San Fernando, Bukidnon, ayon sa militar.
Kinilala ng awtoridad ang napatay na si Nardo Manlolopis, alyas “Kumander Bugsong”, sinasabing vice commander ng SDG Platoon, Guerilla Front Committee ng Communist Party of the Philippines-NPA North Central Mindanao Regional Committee.
Ayon sa report, sinalakay ng apat na armadong rebelde na sakay sa dalawang motorsiklo ang “Bravo” Company sa Purok 8, Kalagangan, San Fernando, at sumiklab ang bakbakan dakong 10:30 ng umaga nitong Martes.
Nang mapuruhan si Manlolopis sa unang bugso ng putukan, agad na tumakas ang tatlong kasamahan niya sakay sa isang Honda TMX motorcycle.
Nabawi ng mga sundalong Army mula sa napatay na rebelde ang isang .9mm pistol, ayon pa sa ulat. (Mike U. Crismundo)