Mga laro bukas

(Smart Araneta Coliseum)

8 n.u. -- UST vs AdU (men)

10 n.u -- Ateneo vs NU (men)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

12:30 n.h. -- UE vs AdU (women)

4:30 p.m. – DLSU vs Ateneo (women)

Siniguro ng Ateneo Lady Eagles na walang gurlis ang kanilang katauhan sa pagharap sa mahigpit na karibal na La Salle sa pinakahihintay na sagupaan bukas sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament.

Dinagit ng Blue Eagles ang ikaanim na sunod na panalo nang kalawitin ang University of the East Lady Warriors, 25-12, 25-10, 25-10, Miyerkules ng gabi sa San Juan Arena.

Pinatatag nina Jhoanna Maraguinot na kumana ng 12 puntos at reigning MVP na si Alyssa Valdez na may 10 puntos at limang dig, ang kampanya ng Ateneo para sa ‘three-peat’.

Nagtala naman ang playmaker na si Jia Morado ng 27 excellent set at anim na puntos habang nagdagdag ang libero na si Jamie Lavitoria ng 11 dig.

“Everyone played well. For sure, coach Tai (Bundit), I hope, is so happy,” pahayag ni Valdez.

Dahil sa ika-anim na sunod na panalo, nahatak ng Ateneo ang record winning run sa premyadong collegiate league sa 24, ika-apat sa pinakamahabang winning run sa isang team sports sa bansa sa likod ng Adamson sa softball (70) at National University sa lawn tennis (40) at women’s basketball (32).

Sa isa pang laro, bumalikwas ang Adamson mula sa dalawang sets na pgkakaiwan upang gapiin ang Far Eastern University, 21-25, 17-25, 25-19, 25-23, 15-10.

Nagposte si rookie May Roque ng kanyang personal best na 23 puntos para pangunahan ang Lady Falcons sa ikalawang panalo sa anim na laro.

“Yung nga (slow start) ang nagiging problema namin sa mga previous games namin. Pero yung mga napag-usapan namin eh maglaro lang ng tama, makakabawi at makakabawi din,” ani Adamson coach Sherwin Meneses. “Importante yung pagkapanalo namin kasi magkaka-dikit dikit na ulit ang standings,” aniya. Marivic Awitan