Pebrero 26, 1946 nang unang masilayan ang “ghost rockets” o unidentified flying objects (UFOs) na hugis missile o rocket, sa mga bansang nakapaligid sa Sweden. Ipinaalam ng Helsinki radio sa mga tagapakinig nito na may “inordinate meteor activity” malapit sa Arctic Circle.

Simula Mayo hanggang Disyembre 1946, mahigit 2,000 sightings sa nasabing bagay ang naitala. Noong Mayo, namataan ng mga residente sa hilagang Sweden ang mga kakaibang bagay sa kalangitan, at noong Hunyo 9, nagkaroon ng illuminous afterglow sa Helsinki, ang kabisera ng Finland.

Nananatiling misteryo kung saan nanggaling ang rocket. Lumabas sa ilang imbestigasyon na ito ay may kaugnayan sa mga meteor shower.

Iniulat ni dating Swedish Air Force officer Karl-Gosta Bartoll na ang mga nasabing bagay, na may kakayahang gumalaw nang mabilis, ay maaaring gawa sa materyales na madaling masira sa tubig.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’