MATINDI na ang epekto ng El Niño sa Mindanao at posibleng nagsimula nang kumilos ang ibang rehiyon upang labanan ito ngunit inaasahang manunuot ang epekto nito. Hindi agad mapupunan ng ulan ang mga natuyot na katubigan at kakulangan sa tubig sa kabila ng katakut-takot na cloud seeding initiatives. Sa katunayan, sinabi ng PAGASA na magsisimulang maramdaman ang tindi ng epekto ng El Niño sa Marso.

Ang El Niño, ang matinding tagtuyot na magkaibang-magkaiba sa Supertyphoon Yolanda, ay iisang mukha ng climate change. Kinalkula ng Department of Agriculture (DoA) ang mga napinsalang pananim at umabot na ito sa mahigit P4 bilyon at mahigit na sa 100,000 magsasaka ang apektado.

AKLAN CLIMATE CHANGE SUMMIT. Wala nang magagawa ang mga tao kundi tanggapin ang realidad, alamin ang sanhi nito at gawan ng paraan upang labanan ang pinsalang hatid nito.

Sa Marso 1, nakatakdang isagawa sa Kalibo, Aklan, sa pangunguna nina Governor. Joeben Miraflores at Dr. Allen Salas Quimpo, ang unang Climate Change Summit. Ang summit ay dadaluhan ng mga leader mula sa iba’t ibang sector upang ipaalam sa kanila ang mga isyu at pagbabago kaugnay sa climate change.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Isa ang Albay sa mga probinsya na nagsisilbing modelo kung paano lalabanan ang climate change. Ang complimentary Climate Chang Adaptation (CCA) at Disaster Risk Reduction (DRR) program, sa pangunguna ni Albay Gov. Joey Salceda, ang No Casualty goal tuwing may paparating na kalamidad, ay matagumpay na isinagawa upang maging epektibo laban sa climate change.

***

Ang aking column noong nakaraang linggo kaugnay sa pagiging epektibo ng Palayan City LTO ay nagtamo ng maraming reaksiyon mula sa mga mambabasa na hindi naniniwala sa balita gaya ng aking kaibigan na nakapag-renew ng kanyang drivers license sa loob lamang ng 27 minuto.

May nagsabi na kaya inasikaso agad ang aking kaibigan ay dahil siya ay isang terror na manunulat. Ang aking kaibigan, ang dating regional director ng government corporation, na nagretiro 10 taon na ang nakalilipas bilang senior editor ng Presidential News Desk sa Malacañang, gayunman sinabi niya na walang nakakakilala sa kanya sa

Palayan City LTO at wala rin siyang kilala roon. (JOHNNY DAYANG)