Papatawan ng kaukulang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga kumakandidato para sa eleksiyon sa Mayo 9 kapag sumobra ang gastos ng mga ito sa kampanya.

Idinahilan ni BIR Commissioner Kim Henares ang umiiral na direktibang nakapaloob sa Revenue Regulation No. 7-2011.

Aniya, ang labis na campaign donations na hindi nagamit sa halalan ay ituturing na income ng isang kandidato na nararapat na patawan ng buwis.

Ayon sa kanya, magsisilbi itong babala sa mga kandidato, at upang mabigyan din ang mga ito ng sapat na panahon na maayos ang kanilang gastusin sa halalan. (Rommel P. Tabbad)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon