JAKARTA (Reuters) – Target ng Indonesia na maipasara ang lahat ng red-light district ng bansa pagsapit ng 2019 upang mabura ang prostitusyon sa nasyon, iniulat ng Jakarta Post nitong Martes ng gabi na sinabi ng social affairs minister.

May 68 red-light district na ang naipasara ng gobyerno at 100 iba pa ang ipasasara sa loob ng tatlong taon, pahayag ni Social Affairs Minister Khofifah Indar Parawansa.

Kahit na illegal, laganap pa rin ang prostitusyon sa mga pangunahing lungsod sa Indonesia.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina