Nagpahayag ng kumpiyansa si Senator Grace Poe na pahihintulutan ng Korte Suprema ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo at tuluyan nang matutuldukan ang pagtatangka ng kanyang mga detractor na pigilan ang kanyang pagkandidato.

Sinabi ni Poe na kuntento siya sa buong prosesong legal ng kataas-taasang hukuman dahil pinahintulutan ng mga oral argument na mapatunayan niyang kuwalipikado siya para kumandidatong presidente, kahit isa lamang siyang foundling o napulot na anak.

Tinapos ng Supreme Court (SC) nitong Pebrero 16 ang mga oral argument na pinagsama-sama nang kaso ng diskuwalipikasyon laban sa senadora.

“We’re praying for the decision of the Courts. We will exhaust all legal means because this is the fight of foundlings. Although it’s impossible for two foreigners to be my parents,” sinabi Poe nitong Martes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I’m confident of a just decision,” aniya.

Isinumite na rin nitong Lunes, Pebrero 22, sa Korte Suprema ng kampo ni Poe, ng Commission on Elections (Comelec), ng Solicitor General, at ng mga pribadong petitioner sa pinagsama-samang kaso ang kani-kanilang final memoranda.

At dahil nakabimbin pa ang pinal na desisyon sa diskuwalipikasyon ni Poe, nasa official ballot—na kasalukuyan nang iniimprenta—ang pangalan ng senadora bilang kandidato sa pagkapangulo.

“We are just waiting for the day when they finally come to a conclusion on the case and I’m hoping that it comes sooner rather than later,” ani Poe. (Hannah L. Torregoza)