Bumaba ng halos 26 na porsiyento ang pag-angkat ng Pilipinas nitong Disyembre, ang pinakamalaking pagbagsak simula 2009, sa paghina ng semiconductor shipment ng halos 40% na senyales na mas magiging mahirap ang mga susunod na araw para sa isa sa fastest-growing economy sa Asia.

Umaangkat ang Pilipinas ng mga semiconductor, karamihan ay para sa pagbubuo ng electronics products para sa mga iluluwas na produkto (export), at ang pagbabawas nito ay nagbibigay-diin sa mas mabagal na demand sa ibayong dagat kasabay sa paghina ng pandaigdigang ekonomiya.

Nitong nakaraang linggo, ibinaba ng Pilipinas ang 2016 import growth target nito sa 10% mula 12% at ang export growth nito sa 5% mula 6%, dahil sa “very challenging” external environment.

Sinabi ng mga ekonomista na binibigyang-diin din ng import data ang paglambot ng domestic demand, at tumitinding kawalang katiyakan sa investment outlook bago ang halalan sa Mayo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Every time there is a presidential election, investment tends to slow significantly,” paliwanag ni Natixis economist Trinh Nguyen, na nagsabing inaasahan ng merkado na tataas ng 10% ang mga inaangkat na kalakal sa Disyembre.

“I think a lot of private sector investment is holding back waiting for the (election) results – to have more certainty.”

Ito ang unang pagbaba sa Philippine imports simula noong nakaraang Mayo at pinakamalaki simula Agosto 2009 nang bumagsak ang pag-angkat ng 28.3%, ayon sa isang opisyal ng Philippine Statistics Authority. Ito rin ang pinakamalaking pagbaba sa pag-angkat para sa buwan ng Disyembre simula 2008. (Reuters)