Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

2 n.h. -- UP-QRS/JAM Liner vs. Wangs Basketball

4 n.h. -- NU-BDO vs. Tanduay Rhum

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inspirado mula sa naitalang malaking panalo kontra Café France, target ng Tanduay Rhum na makausad pa nang bahagya sa team standings sa pakikipagtuos sa NU-BDO ngayon sa 2016 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tinapos ng Rhum Masters ang five-game winning streak ng Bakers sa dikitang 79-74, panalo nitong Lunes sa San Juan Arena.

“Ang baon lang naming is resiliency. We know what’s at stake. One loss and we might kiss our top four dream goodbye,” pahayag ni Tanduay coach Lawrence Chongson.

Ayon kay Chongson, hanggat kakayanin ay gusto nilang umabot sa top 3 o kung hindi man ay maging No.4 para makakuha ng twice-to-beat incentives pagdating ng quarterfinals.

“Our only hope is a sweep, and that will only give us the No.3.”

Tatangkain naman ng NU-BDOP na makamit ang kalawang panalo upang buhayin ang tsansang umusad sa quarters.

Hawak sa kasalukuyan ng Bulldogs ang barahang 1-4, matapos ang huling kabiguan sa Mindanao Aguilas, 67-73, noong Pebrero 18.

Sa unang laro, hangad din ng Wang’s Basketball na maipanalo ang mga nalalabing laban para buhayin ang pag-asang makatuntong ng quarterfinals.

Taglay ang barahang 1-5, kasama ng Mindanao Aguilas at AMA University,tatangkain ng Cuoriers na makopo ang mailap na ikalawang panalo sa pagtutuos nila ng UP-QRS JAM Liner na target naman ang ikaapat na panalo kontra tatlong talo.

(Marivic Awitan)