GENERAL SANTOS CITY – Nakatabla ang Novelty Chess Club of Bulacan sa lower boards laban sa top seed Bobby Pacquiao C, 2-2, para mapanatili ang pangunguna matapos ang ikaanim na round sa Bobby D. Pacquiao Chess Festival, kahapon sa Trade Hall ng SM Mall dito.

Kumuha ng lakas ang Novelty kina Kelly Rancap at Louie Salvador sa ikatlo at ikaapat na board, para mabawi ang kabiguang natamo ng mga kasangga sa highest board na sina National Master Roel Filipinas at Marc Christian Nazario.

Natalo si Filipinas kay Grandmaster Jason Gonzales, habang kinapos si Nazario kay Alfredo Rapanot sa Board 2.

Sa kabila ng pagtabla, nakuha ng Bulakenos, nagwagi sa Gensan Omicrons, 3-1, sa ika-limang round, nanatili sila sa unahan tangan ang 11 puntos.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Haharapin nila ang Pacman Team A, pinangungunahan ni NM Roel Abelgas, target ang panalo para makopo ang kampeonato at ang P5000,000 .

Nagwagi ang Pacman Team A kontra Cotabato Province, 3.5-.5 sa sixth round para makopo ang 10 puntos at makisosyo sa ikalawang puwesto kasamang NICA Team Ilonggo, Elegant Houses ng Pampanga at Gensan Omicrons.

Magsisimula naman ang individual play ng P2 milyon tournament bukas.