WASHINGTON (AFP) — Nagkasundo ang United States at China sa UN resolution sa North Korea na hindi tatanggapin ang Pyongyang bilang ‘’nuclear weapons state,’’ ipinahayag ng White House nitong Miyerkules.

Nagkasundo sina National Security Advisor Susan Rice at Chinese Foreign Minister Wang Yi ‘’on the importance of a strong and united international response to North Korea’s provocations, including through a UN Security Council Resolution that goes beyond previous resolutions,’’ pahayag ni National Security Council spokesman Ned Price.

Ayon dito, sumali si President Barack Obama sa pagpupulong at umaasang sasalubungin si Chinese President Xi Jinping sa nuclear security summit sa Marso 31-Abril 1 sa Washington.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture