MOSCOW (PNA/Sputnik) – Nagpadala ang China ng fighter jets sa pinag-aagawang isla sa South China Sea sa gitna ng umiinit na tensiyon sa rehiyon, iniulat ng media.

Sinabi ng Fox TV nitong Martes na naispatan ng US intelligence ang Shenyang J-11 at Xian JH-7s aircraft ng China (pinangalanan ng NATO na Flanker B+ at Flounder, ayon sa pagkakasunod) sa Woody Island nitong mga nakalipas na araw.

Unang nagpadala ang Beijing ng dalawang battery ng HQ-9 surface-to-air missile sa parehong isla, iniulat ng media.

Kaugnay nito, tinatalakay ng US Army ang posibilidad na magpadala ng mobile artillery units sa rehiyon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nitong weekend, sinabi ni US President Barack Obama na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang paghahamon sa territorial claims ng China sa South China Sea.

“We think China is resorting to the old style of might makes right, as opposed to working through international law and international norms to establish claims and to resolve disputes,” pahayag ni Obama sa panayam ng Channel News Asia.

Ayon sa isang senior US Army official, nagsalita sa kondisyong hindi siya papangalanan, magpapadala ang US ng mobile artillery, isang uri na karaniwang ginagamit sa land-based offensives, sa South China Sea, bilang defensive units.

“We could use existing Howitzers and that type of munition to knock out incoming threats when people try to hit us from the air at long ranges using rockets and cruise missiles,” ibinunyag ng opisyal.