Richard copy

NABITIN ang mga nanood sa advance screening ng Ang Panday remake ng TV5 na pagbibidahan ni Richard Gutierrez sa SM Aura Cinema noong Martes ng gabi dahil inabot lang ng isang oras.

Sabi ng taga-Viva na producer ng Ang Panday, sadyang pilot episode lang ang ipinasilip sa entertainment press para magkaroon ng idea kung anong bersiyon naman ang gagawin ni Richard.

As usual, si Joone Gamboa ang gumaganap bilang Lolo Isko tulad sa dalawang Panday movies ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa GMA Films.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hindi namin naumpisahan ang Panday dahil sa naipit kami sa sobrang trapik, pero base sa napanood namin ay maganda ang pagkakadirek ni Mac Alejandre na siya ring director sa dalawang Panday movie ni Bong.

Establishing pa lang ang characters ng mga magsisiganap sa Ang Panday kaya wala pang ipinakitang fight scenes si Richard. Hinahanap tuloy ng mga katoto ang fight scenes na ipinakita sa grand presscon.

Napansin lang namin na sobrang kapal ng foundation ni Joone bilang si Lolo Isko, siguro para matakpan ang naglalakihang eye bags at maging si Richard bilang si Flavio ay halata rin ang make-up.

Anyway, napansin lang namin na napakakinis at napakalinis ni Flavio o Panday, pati mga kamay at kuko, feeling namin ay nagpa-cleaning muna ang aktor ng mga kuko niya bago nag-shoot.

In fairness, guwapo pa rin si Richard at parang hindi tumatanda, baby face pa rin tulad ng mga napanood naming pelikula niya sa GMA at Regal Films dati.

Mapapanood Ang Panday simula sa Lunes, Pebrero 29, 7 PM sa TV5. (Reggee Bonoan)