batang chess copy

GENERAL SANTOS CITY – Dinurog ng Roel Pacquiao Chess Team, sa pangunguna ni youthful FIDE Master Alekhine Nouri, ang Guevarra Law Defenders, 3-1, para manatiling nasa sosyong pangunguna matapos ang ikalawang round ng Bobby Pacquiao Random Chess Festival sa SM Mall dito.

Pinakabatang Pinoy FIDE Master sa edad na 10, ginapi ni Nouri si Jason Salubre para sandigan ang natipong 7 puntos ng Roel Pacquiao team at makisosyo sa Property Expert Realty B sa pangunguna sa 64-team tournament na inorganisa ng Eugene Torres Chess Foundation.

Ginapi ng Realtors, binubuo ng mga unranked player, ang koponan na kinabibilangan nina National Masters Ronald Llavanes at Bob Jones Liwagon.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Magkakasama sa ikalawang puwesto ang NICA Tim Ilonggo, Cong. Anthony del Rosario, Novelty Ches Club of Bulacan, Dimachintucan, at Tagaytay City taglay ang parehong 6.5 puntos.

Nagwagi ang Ilonggos sa Tanza Belvedere, 2.5-1.5; naungusan ng Team Anthony del Rosario ang M.A. Yabut Team B of Pampanga, 2.5-1.5; habang namayani ang Bulakenos at Tagaytay City. Pinabagsak ng Dimanchintucan ang Properety Expert Realty A, 3-1.

Tangan naman ang 6 na puntos ng Gensan Omicrons at MDFragata, habang magkakasama na may 5.5 puntos ang Cotabato Province, Elman Team A, Pacman Team C at SLVP. May limang puntos naman ang Bobby Pacquiao A, Bobby Pacquiao TEam B, Elegant Houses of Pampanga, Inchess Asia, Nurjay Sahali A, M.S. Yabut B, JJO-CDO Kingslayer at TARAKA of Lanao Sur.