Mga laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Star vs. Blackwater

7 n.g. -- Talk ‘N Text vs. Alaska

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Liyamado sa simula, ngunit mistulang katatawanan ang kinalalagyan sa kasalukuyan ng Star Hotshots.

Ngayon, laban sa umaangat na BlackWater Elite, tatangkain ng Star na makaungos at maisalba ang natitirang dangal sa kanilang kanilang pagbabalik sa aksiyon sa PBA Commissioner’s Cup elimination sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang laro sa ganap na 4:15 ng hapon, habang magtutuos ang Talk ‘N Text at Alaska sa main game ganap na 7:00 ng gabi.

Huling natikman ng Star ang kabiguan sa kamay ng NLEX Road Warriors, 99-106, nitong Pebrero 20, ngunit sa kabilang ng tatlong sunod na kaalatan, kumpiyansa si coach Jason Webb ni makakasalba ang kanyang tropa.

Nakamit naman ng Elite ang magkasunod na panalo matapos mabigo sa una nilang laro kontra defending champion Talk ‘N Text, sapat para makuha ang inaasam na kumpiyansa.

Ayon kay Blackwater coach Leo Isaac, kailangan lamang nilang magpakita ng consistency sa laro para makaangat pa sa mga susunod na laban.

“First back-to-back win for the Ever Bilena franchise here in the PBA. Masarap ang pakiramdam, it feels good to achieve this win. Pero, siyempre hindi kami dapat makuntento,” sambit ni Isaac.

Muling sasandig ang Elite sa lideratong ipinakikita ni dating NCAA standout Carlo Lastimosa kabalikat ang import na si MJ Rhett at iba pang mga beterano ng team na sina Reil Cervantes, Bambam Gamalinda at Mike Cortez.

Sa tampok na laro, magkukumahog namang makabangon mula sa nalasap na dalawang dikit na kabiguan ang Tropang Texters sa pagsagupa nito sa Alaska Aces.

Matapos maipanalo ang opening day game kontra Blackwater, dalawang sunod na natalo ang Talk ‘N Text pinakahuli sa kamay ng Globalport noong Pebrero 19 sa iskor na 101-108, sa MOA Arena. (MARIVIC AWITAN)