Dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng Oplan: Lambat Sibat laban sa ilegal na droga, umabot sa P15 milyon ang shabu na nakumpiska mula sa mga naarestong miyembro ng isang Chinese drug syndicate, sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) at National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Maynila, kahapon ng umaga.

Base sa report ni Supt. Jeffrey Bilaro, hepe ng QCPD public information office, kinilala ang mga nadakip na sina Dixon Kee Yu, 35; Qian Li, alyas “Joey Li”, 39; Simon Tan, 53; Husni Balenti, 30; at Amir Cana, 27 anyos.

Dakong 6:30 ng umaga nang isagawa ng pulisya ang operasyon sa parking lot ng Harborview sa tabi ng Quirino Grandstand sa Maynila.

Nasamsam sa mga suspek ang limang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Edgardo G. Tinio, ang sindikato ay kumikilos sa Central Luzon at sa Camanava area.

(Jun Fabon)