ATLANTA (AP) -- Ipinahayag ng Golden State Warriors ang pagkuha kay Brazilian center Anderson Varejao matapos mabigyan ng medical clearance.

Naglaro si Varejao ng 12 season sa Cleveland, ngunit ipinamigay ito sa Portland bilang bahagi ng three-team trade na kinasangkutan din ni Channing Frye ng Orlando Magic. Ngunit, inilaglag ng Portland ang Brazilian star.

Sa kabila ng matikas na kampanya ng defending champion kung saan nalagpasan nila ang record ng Chicago Bulls para sa pinakamabilis na koponan na nakakuha ng 50 panalo sa isang season, matindi ang pangangailangan ng Golden State sa big man bunsod nang pagka-injured ni starting center Andre Bogut at backup na si Festus Ezeli.

Para makuha si Verejao, binitiwan ng Warriors si forward Jason Thompson.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa Cleveland, nadagdagan naman ang lakas sa frontline ng Cavs sa pagdating ng 6-foot-11 na si Channing Frye.