Tinanggihan ng Sandiganbayan ang mosyon ng negosyanteng si Cedric Lee na ibasura ang kasong graft at malversation laban sa kanya kaugnay sa umano’y pagtanggap ng bayad para sa pagtatayo ng pamilihan sa Mariveles, Bataan na hindi man lamang nasimulan.
Ayon sa 3rd Division ng anti-graft court, walang merito ang mosyon matapos mabigo si Lee na magharap ng mga bagong argumento para baliktarin ng korte ang desisyon nito sa kaso.
“Accused Lee’s plea is without basis…There is no reason to depart from this Court’s previous pronouncement on the existence of probable cause for the issuance of warrant of arrest for accused,” nakasaad sa resolusyon na isinulat ni Associate Justice Sarah Jane Fernandez.
Hunyo 2015 nang maglabas ng P23 million ang pamahalaang lokal ng Mariveles, sa ilalim ni dating mayor Angel Peliglorio, para sa konstruksiyon noong 2005 ng public market sa kumpanya ni Lee na Izumo Contractors, Inc.
(Rommel P. Tabbad)