ARIES [Mar 21 - Apr 19]

I-tame ang iyong energetic activeness, at paganahin mo na lang ang isip mo. Hindi tamang lagi na lang matigas ang ulo mo.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Maging extra understanding and friendly sa iyong supervisors. May makikipag-ayos sa ‘yo, ngumiti sa pag-accept ng sorry.

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Mga Pagdiriwang

Kailangan din bang batiin ng ‘Mother’s Day’ ang mga Ate?

Makakaiwas ka ngayon sa mga kaaway, dahil nabawasan na ang iyong fight mode. Attack mode ka na bukas.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Hindi maganda ang araw na ito para sa business meetings at negotiations. Mag-yoga ka na lang maghapon.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Kakailanganin mong i-tone down ang iyong individuality, aggressiveness and determination. Hindi ka na nakakatuwa.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Pairalin ang prinsipyo ng peaceful coexistence. Mas madali kang matatapos sa trabaho kung magpo-focus ka lang sa computer monitor, walang kurapan.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Nababawasan na ang ability mo to assume responsibilities and making important decisions. Hindi ka octopus, piliin lang ang aakuing trabaho.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Sobrang sentimental at emotional ka today. Feeling api ka na naman, kahit na sa totoo lang, ikaw ang madalas na kontrabida.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Pagtutuunan mo today ang charity at mag-o-offer ka ng sandamakmak na psychological help. Sa totoo lang, hindi bagay sa ‘yo.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Finally, aaminin mo sa iyong sarili na may mga bagay na you can’t change. Sayang ang effort, tsk!

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Magtataas ka today ng white flag bilang pagsuko sa isang matagal nang competition. Marami ‘tong benefits, kaya go!

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Ayaw mong mag-isa today, kaya you will humbly seek the company of old friends. Subok mo na sila, ‘di mo kailangang mahiya.