LA PAZ, Bolivia (AP) — Ibinasura ng mga botante ang constitutional amendment na magpapahintulot kay Bolivian President Evo Morales na tumakbo sa ikapaat na termino sa 2019, inanunsiyo ng electoral officials nitong Martes ng gabi.
Ito ang unang pagkatalo sa botohan ng makakaliwang coca grower union leader simula nang manalo siyang pangulo noong 2005.
Iniulat ng Supreme Electoral Tribunal ang 51 porsiyentong kontra at 49% pabor sa resulta ng referendum noong Linggo. Hinarang din ng mga botante ang muling pagtakbo ni Vice President Alvaro Garcia.