Sa gitna ng matinding excitement ng Pinoy fans ni Madonna sa unang concert sa bansa ng Queen of Pop, iba naman ang panawagan ng isang paring Katoliko tungkol dito.

Hinihimok ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles ang mga mananampalataya na huwag panoorin ang concert dahil hindi, aniya, tama na maging venue ang Pilipinas ng paglapastangan sa Diyos.

“Before it was Lady Gaga. Now it is Madonna! Why is Catholic Philippines the favorite venue for blasphemy against God and the Holy Mother?” saad sa text message ni Arguelles.

Kilala si Madonna sa kanyang mga kontrobersiyal na pagtatanghal na minsan nang nagtampok sa nakasuot ng madre na nagpo-pole dancing, sa isang malaking krus sa gitna ng entablado, at maraming iba pa. Para sa ilan, isang kabastusan sa pananampalataya, partikular sa mga Katoliko, ang nasabing concert performances ng 57-anyos na music icon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Let us pray for our country that the devil will not succeed to draw anyone from this Pueblo Amante De Maria (people in love with Mary) to his evil ways,” sabi pa ni Arguelles.

Gayunman, nang tanungin kung nananawagan ba siyang iboykot ng mga Pinoy ang concert ni Madonna, hindi nagbigay ng direktang sagot ang arsobispo.

“Pinoys and all God-loving people should avoid sin and occasions of sin,” ani Arguelles.

Bahagi ng kanyang “Rebel Heart” world tour, magsisimula ngayong gabi ang dalawang-gabing concert ni Madonna sa SM Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City. (Leslie Ann G. Aquino)