NANG iniulat ng Philippine National Police (PNP) na ang Metro Manila at iba pang panig ng kapuluan ay pinamumugaran ng mga sugapa sa droga, lalong tumindi ang pangangailangan sa serbisyo ng mga kagawad ng barangay. Nadama ng mga awtoridad at ng mismong mamamayan ang kahalagahan ng naturang grupo sa paglipol sa illegal drugs na lumalason sa lipunan.

Sa mula’t mula, ang mga barangay—bagamat itinuturing na “smallest government unit” lamang—ang unang tumutugon sa makabuluhang mga pangangailangan ng sambayanan. Hindi maipagwawalang-bahala ang kanilang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan. Sila ang bisig ng gobyerno sa mga kalamidad, sa maayos na pamamahala sa trapiko, at sa pagpapanatili ng katahimikan sa bansa. Araw-gabi, walang humpay ang kanilang paglilingkod kahit na masuong sa panganib ang kanilang buhay. Katunayan, ang ilan sa kanila ay napapatay sa pakikipaglaban sa mga kriminal.

Maliwanag na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nais ni NR Joaquin, nominado ng Pabahay Party-List, na suklian ng mga benepisyo ang mga opisyal ng barangay, lalo na ng mga Tanod. Marapat lamang na itaas sa P5,000, mula sa P3,000, ang kanilang kasalukuyang buwanang allowance. Dapat din silang pagkalooban ng medical benefits at educational allowance para sa kanilang mga mahal sa buhay. Higit sa lahat, makatuturan ang paglalaan ng low cost housing units para sa kanilang mga pamilya. Makatwiran din ang pagkakaloob sa kanila ng insurance benefits, kaakibat ng health package program.

Natitiyak ko na ang naturang mga mungkahi ay kakatigan ng mga mambabatas na papalarin sa 2016 elections, lalo na ng mga lingkod ng bayan na may malasakit sa matapat na serbisyo ng mga barangay official.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hindi maililihim na mayroon ding “bad eggs” sa mga kagawad at opisyal ng barangay. Sila ang itinuturing na mga salot sa serbisyo. Katunayan, ang ilan sa kanila ay nasasangkot sa mga krimen at sa pagbebenta ng mga bawal na gamot at sa mismong mga pot session; ang ilan sa kanila ay nagugumon din sa droga. May mga kinakasangkapan sa narco-politics na pinakikilos ng ilang kandidato.

Subalit hindi rin maililihim ang katotohanan na, tulad ng sinabi ni Joaquin, marami rin ang “unsung heroes” sa barangay. (CELO LAGMAY)