AI AI AT SANCHO copy

ITINUTURING ni Sancho delas Alas na younger brother at katrabaho si Miguel Tanfelix ngayong magkasama sila sa Wish I May na napapanood sa GMA-7 after ng Eat Bulaga. Kumusta naman si Miguel bilang katrabaho?

“Mahusay siyang actor, mabait, masayahin,” sagot ni Sancho. “Minsan nga kapag magkasama kami sa set at magtatanong siya ng mga bagay-bagay, ang tanong ko rin sa kanya, paano ko sasagutin ang tanong niya, bilang katrabaho o bilang parang kuya na niya. Maganda siyang kausap, nakikinig sa mga ipinaliliwanag ko sa kanya. Enjoy naman ako, kasi nagkaroon ako ng isa pang nakababatang kapatid dahil lagi naman akong kuya, since ako ang matanda sa aming magkakapatid.”

Kaya natanong si Sancho kung ano ang naging feeling niya nang sa bahay nila patuluyin ng mama niyang si Ai Ai delas Alas si Jiro Manio nang lumabas na ito sa rehab, pero ngayon ay ibinalik uli roon? Ibinalik ba si Jiro dahil bumalik muli sa bisyo?

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Nakakapanghinayang din po kasi, itinuring ko na ring kapatid si Jiro. Ibinalik po siya sa rehab hindi dahil bumalik siya sa bisyo, kundi dahil hindi na siya stable. Kaya sa halip po na sa ospital siya dalhin, ibinalik na lamang siya sa rehab, doon po kasi siya natututukan, doon din po nag-start ang recovery niya, kaya feeling ni Mama, do’n din ang pinaka-best na ibalik siya.

“Sayang po talaga dahil nag-workshop na kami ni Jiro dahil lalabas sana kami sa isang episode ng Magpakilanman, pero napansin po sa workshop na hind pa niya kaya. He is chronically ill na raw at hindi na sa drug abuse, hindi na po siya maka-recover. Pero sana po gumaling pa siya, bata pa naman siya at magkaroon na sana ng direksiyon ang buhay niya.”

Balita ngang sa workshop, walang mailabas na emosyon si Jiro kundi puro galit.

Hindi itinanggi ni Sancho na minsan din siyang tumikim ng weeds pero never ng shabu, at hindi siya na-hook dahil may kontrol siya sa sarili niya at marami siyang nakitang mga kaibigan niya na na-hook sa drugs na hindi na talaga nakabalik at tuluyan nang nasira ang buhay.

May gagawing challenging role si Sancho na isang indie film na kasama niya ang kanyang ina at ang hiling daw niya ay magampanan niyang mabuti ang kanyang role. Dream daw niyang manalo ng award at maialay ito sa kanyang yumaong ama na isang mahusay na stage actor. (Nora Calderon)