Nagkaloob ng tulong ang Embahada ng Pilipinas sa mga pamilyang apektado ng dalawang malalaking sunog sa Myanmar kamakailan.

Personal na iniabot ni Philippine Ambassador to Myanmar Alex G. Chua ang in-kind donation ng embahada para sa tinatayang 500 pamilya na nasunugan sa Namhsan, Northern Shan State at Labutta, Ayeyawaddy Region noong Pebrero 4.

Kabilang sa iniambag ng Embahada ng Pilipinas sa relief operations ang mga damit, kumot at tuwalya, na tinanggap ni Relief and Resettlement Yangon Department Director U Kyi Thar sa ginanap na handover ceremony sa Central Warehouse ng Ministry of Social Welfare, Relief and Resettlement sa Mayangone, Yangon nitong Pebrero 19. (Bella Gamotea)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador