WASHINGTON (AP) — Ilang beses na mas mabilis ngayon ang pagtaas ng dagat sa Earth kaysa nakalipas na 2,800 taon at ito ay dahil sa global warming na dulot ng tao, ayon sa mga bagong pag-aaral.

Isang grupo ng international scientist ang naghukay sa 24 na lokasyon sa buong daigdig upang subaybayan ang pagtaas at pagbaba ng dagat sa mga nakalipas na siglo at millennia. Hanggang noong 1880s at sa industriyalisasyon ng mundo, ang pinakamataas na pagtaas ng dagat ay nasa 1 hanggang o 1.5 inches (3 hanggang 4 centimeters) bawat siglo. Sa mga panahong ito, ang global sea level ay hindi gaanong tumaas o bumaba nang mahigit 3 inches (7.5 cm) sa 2,000-year average.

Ngunit sa ika-20 siglo, ang dagat ay tumaas ng 5.5 inches (14 cm). Simula 1993, tumaas ito ng isang talampakan bawat siglo (30 cm). At sa dalawang magkahiwalay na pag-aaral na inilathala nitong Lunes sa journal na Proceedings of the National Academy of Sciences, nakasaad na pagsapit ng 2100, ang dagat ay tataas ng 11-52 inches (28-131 cm), depende sa dami ng heat-trapping gas na ibinubuga ng mga industriya at sasakyan sa Earth.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina