nowitzki copy

DALLAS (AP) — Naitala ng Dallas Mavericks ang pinakamataas na scoring output ngayong season nang gapiin ang Philadelphia 76ers, 129-103, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila).

Hataw si Wesley Matthews sa naiskor na 21 puntos, habang kumana si Dirk Nowitzki ng 18 puntos para sa ikalawang panalo sa huling pitong laro ng Mavs.

Nanguna si Jahlil Okafor sa Sixers sa nakubrang career-high 31 puntos.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

PELICANS 111, PISTONS 106

Sa Auburn Hills, Michigan, naitarak ni Anthony Davis ang franchise-record na 59 puntos at 20 rebound sa panalo ng New Orleans Pelicans laban sa Pistons.

Ang dating record sa prangkisa ng Pelicans ay 50 puntos na nagawa ni Jamal Mashburn may 13 taon na ang nakalilipas laban sa Grizzlies.

Kumana si Davis ng 19 puntos sa fourth quarter para higitan ang scoring record sa Palace of Auburn Hills na naitala ni LeBron James (48) sa Game 1 ng Eastern Conference finals noong June 1, 2007. Nakasama rin si Davis nina Shaquille O’Neal at Chris Webber na tanging NBA player na nakaiskor ng 50 o higit pang puntos at 20 rebound sa isang laro mula noong 1983.

CAVS 115, THUNDER 92

Sa Oklahoma City, hiniya ng Cleveland Cavaliers, sa pangunguna ni Kevin Love na nagtumpok ng 29 puntos, ang host Thunder.

Naitala ni Love ang 9 of 18 sa field goal, kabilang ang 11 for 12 sa free throw para sa ikalawang pinakamatikas na opensa ngayong season.

Kumubra si LeBron James ng 25 puntos, 11 assists at pitong rebound, habang kumana si Tristan Thompson ng 14 puntos at 14 rebound para sa ikalimang sunod na panalo ng Cleveland.

Ratsada si Kevin Durant na may 26 puntos at tumipa si Russell Westbrook ng 20 puntos, 11 assist at siyam na rebound para sa Thunder, nagtamo ng ikalawang sunod na kabiguan sa home game matapos ang All-Star break.

SPURS 118, SUNS 111

Sa Phoenix, naisalpak ni Patty Mills ang career-high na anim na 3-pointer para sa kabuuang 21 puntos para gabayan ang San Antonio Spurs kontra Suns.

Nag-ambag si Tony Parker ng 22 puntos para sa San Antonio, naglaro na wala ang All-Star forward na si Kawhi Leonard na tinamaan ng lagnat. Kumubra naman si LaMarcus Aldridge ng 19 puntos at 10 rebound.

Nanguna sa Suns si Alex Len namay career-high 23 puntos at 13 rebound.

PACERS 105, MAGIC 102

Sa Orlando, Florida, hataw sina Monta Ellis sa naiskor na 21 puntos at Paul George na may 20 puntos sa panalo ng Indiana Pacers kontra Orlando Magic.

Ratsada rin sina CJ Miles at Ian Mahinmi na my tig-14 puntos para sa ikaapat na panalo sa huling limang laro ng Pacers. Humugot din si Jordan Hill ng 13 puntos at 10 rebound.

Nanguna sa Orlando si Ian Fournier sa nakubrang 23 puntos, habang umiskor sina Nikola Vucevic ng 19 puntos at 13 rebound at Victor Oladipo na may 17 puntos, walong assist at pitong rebound.