Isang petisyon na nananawagan sa gobyerno na ideklarang persona non grata sa Pilipinas ang may-akda ng #DropPacman, ang nilikha at makalipas ang tatlong araw ay mayroon nang mahigit 17,000 lagda.

Nilikha ang online plea nitong Pebreo 19, 2016 sa pamamagitan ng iPetitions. Habang isinusulat ang balitang ito, nakalikom na ang petisyon ng 17,360 tagasuporta, nalagpasan ang 5,000-signature goal nito.

Tinawag ang petisyon ang #DropPacman petitioner na si Aries Dela Cruz na “selfish traitor” na inimpluwensiyahan ng Nike para putulin ang ugnayan kay Manny Pacquiao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Manny gave our country multiple honor and pride, he fights for our flag and made known our country to the world stage of boxing; and just because of sharing his belief and we all know that it is the truth, this person (Dela Cruz) filled a petition to turn down Manny as an endorser of Nike,” nakasaad sa petisyon.

Si Dela Cruz ang may-akda ng petisyong #DropPacman, na lumikom ng 4,451 lagda sa huling tala, sa change.org.

(TESSA DISTOR)