Naisalba ng Far Eastern University ang matikas na ratsada ng University of the Philippines para maitarak ang 27-25, 21-25, 25-22, 20-25, 15-12 panalo nitong Linggo sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa MOA Arena.

Tumipa sina Toni Rose Basas at Bernadeth Pons ng tig-21 puntos, habang humirit si skipper Mary Palma ng 13 puntos para maitawid ang kampanya ng Lady Tamaraws.

Kumana rin ng 10 puntos si Heather Guino-o para sa ikatlong panalo sa limang laro ng FEU na sumosyo sa National University Bulldogs sa ikatlong puwesto.

Ikinatuwa ni FEU coach Shaq de los Santos ang ipinamalas na katatagan ng Lady Tams sa krusyal na sandali at sa dikitang laban.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“Ito ang kailangan namin ma-experience. Ito ang kulang sa amin ang ma-experience ang mga ganitong bagay na dikitan.

Luckily nanalo kami sa game,” sambit ni De los Santos.

“Sa fifth set sabi ko sa kanila kumapit tayo, bawat isa ang goal natin ay maipanalo ang last set. Kung anong errors man ‘yan o conflict basta magfocus lang sa fifth set,” aniya.

Nanguna si Kathy Bersola sa Lady Maroons sa naiskor na 18 puntos.