ILOILO CITY – Idinetalye sa isang pag-aaral ng gobyerno kung paanong napinsala ng underwater diving at snorkeling ng mga turista ang coral reefs sa pamosong Boracay Island sa Malay, Aklan.
“Boracay coral reefs have been disturbed and damaged by these diving activities,” sabi ni Jim Sampulna, director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 6.
Nakumpirma sa magkahiwalay na coral reef assessment ng DENR-6 noong Setyembre-Oktubre 2015 at Enero 2016 ang independent assessments na namamatay na ang Boracay coral reefs.
Sa pangunguna ni Dennis Piñosa, ng Biodiversity Partnerships Project sa rehiyon, sinuri ng kagawaran ang pitong coral reef site sa isla: ang Coral Garden, Angol Point, Friday’s Rock, Laurel Island, Channel Drift, Bulabog Reef, at Yapak.
Sa ulat na nakalap ng mga may akda, natuklasan ng DENR-6 na masyadong marami ang nag-dive sa Boracay sa isang partikular na araw sa Coral Garden site.
“This means that the divers there are beginners and are assisted by expert divers, which tend to disturb and damage the corals,” saad sa report ng kagawaran. “The numbers of divers, which reached approximately hundreds of individuals in a single day, affects the regenerative ability of corals and the carrying capacity of the area that results to bio-capacity deficit.”
Bukod sa umiinit ang temperatura ng tubig, ang walang kontrol na underwater diving ang isa pang sinisisi sa coral bleaching sa Boracay o kung paano namamatay ang bahura.
Noong nakaraang taon, inilabas ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang natuklasan sa pag-aaral noong 2010-2015 na nagsabing 70 porsiyento ng bahura sa Boracay ay namatay sa pagitan ng 1988 at 2011.
(Tara Yap at Jun Aguirre)