DARAGA, Albay - Magtatayo ang National Museum of the Philippines (NMP) ng P50-milyon makabagong sangay nito sa loob ng Cagsawa Ruins Park dito para palitan ang museo na winasak ng bagyong ‘Reming’ noong 2006.

Ayon sa NMP, ang sangay nito sa Cagsawa ang pinakamadalas na bisitahin sa labas ng Metro Manila bago ito winasak ng Reming.

Masigla namang tinanggap ni Albay Gov. Joey Salceda ang nabanggit na proyekto ng NMP. Ipinanukala rin niyang magkaroon ng pasilidad para sa dalawang museo, ang Museum of the Natural History of Albay, na tatampukan ng “native artifacts, and important archaeological and historical finds”; at ang Museum of Albay Resiliency, tungkol naman sa mga karanasan ng lalawigan sa “zero casualty”.

Sinabi ng gobernador na angkop ang Cagsawa Ruins, idineklarang National Cultural Treasure, na maging tahanan ng nabanggit na mga museo dahil simbolo ito ng “indomitable spirit and resilience” ng Albay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente