Pinag-aaralan ng PhilHealth na masaklaw din ng health insurance ng mga Pilipino ang gamutan sa Zika at dengue, ayon kay President-CEO Atty. Alexander Padilla.

Sa press conference kasabay ng pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng PhilHealth, sinabi ni Padilla na posibleng doblehin nila ang ibabayad sa mga health worker na makakapitan ng Zika virus.

Sa dengue, aniya, masusing titimbangin ng ahensiya, katuwang ang Department of Health (DoH), ang pros and cons hinggil dito.

Nabatid na saklaw ngayon ng PhilHealth ang Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV). - Mac Cabreros
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji