Ni Angie Oredo

Mabibigyan ng pagkakataon ang mga dating pro at commercial cager player na muling makapaglaro sa isang kompetitibong liga sa paglarga ng LGR Hoops Basketball Showcase Est. 2016 sa Marso 6.

Inorganisa ng LGR Athletics Wears, Inc., ang torneo ay may dalawang kategorya na Expert Division para sa may taas na 6’4 and below at ang Novice Division na para naman sa mga manlalaro na may taas na 6’0 and below.

Maaaring maglaro sa Expert Division ang mga dating UAAP, NCAA, ABL, PBL, MBA, LIGA PILIPINAS at D LEAGUE player na huling nakapaglaro noong 2009.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bawal naman maglaro sa Novice Division ang mga dating PBA, PBL, DLEAGUE, MBA, ABL, LIGA PILIPINAS, UAAP, NCAA, NCRAA, NAASCU at CESAFI player.

Hangad ng LGR Hoops Basketball Showcase Est.2016 na mabigyan ng de-kalidad na torneo ang mga dating player upang maihanda sa kani-kanilang hakbangin na muling makabalik sa pro league.

Isasagawa ang mga laro tuwing Miyerkules, Sabado at Linggo simula sa Marso hanggang Mayo, 2016 na iikot sa mga venue na Filoil Flying V Arena, Rizal Memorial Coliseum, Cloverleaf Basketball Court, Guadalupe Makati, Makati Coliseum at sa Dumlao Gym sa Mandaluyong.