Kris copy

HANGGANG kahapon, wala pa ring bagong post si Kris Aquino sa Instagram. Nag-off uli siya sa social media sa utos ng kanyang doctor. Tumaas kasi ang blood pressure niya last week, kaya binilinan ng doctor na mag-complete bed rest na sinunod naman niya.

Dahil sa pagtaas ng BP, hindi nakadalo si Kris sa Go Negosyo Women’s Entrepreneurial event last week. Imbitado siya sa nasabing event bilang franchise owner ng Chowking branch sa Ali Mall at iba pa.

“Chowking Sales Covention deserve to know the reason for my absence; my doctor gave strict instruction for complete bed rest for at least 5 days. BP Tuesday night was 155/100, was throwing up nonstop & I had a persistent headache until I woke up today... I apologize to all who expected my presence. And I am sorry that this IG feed has so many posts about my health woes. Praying fervently that my future posts will be about a healthy me,” post ni Kris.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Naintindihan ng kanyang fans/followers na kailangang magpahinga at mag-relax ni Kris para walang nagrereklamo sa ilang araw na hindi niya pagpo-post sa IG.

Samantala, ngayong Lunes na raw ang simula ng pagsasama nina Kris at Anthony Taberna sa KrisTV na magiging Kris at Ka Tunying na raw ang title. Bago magbakasyon, nakadalawang araw nang taping si Kris sa show nila ni Anthony.

Hopefully, gumaling na siya para live silang aapir sa show ng kanyang co-host.

Editor’s note: Habang ini-edit itong item ni Nitz kahapon, nag-post si Kris ng pictures ng ginagawang simbahan, kakabit ang 2 Corinthian 9:7, at ito: “Went through a lot of work related stress, doubts & fears... But I held on to my FAITH. Yesterday, I saw pictures of the construction progress for the Chapel of Sta Clara for the Monasterio de Sta. Clara in Davao City that I’m helping fund. Thank you to the contemplative nuns of Clarisas Capuchinas Sacramentarias for praying for me. Health is better; my heart and spirit are renewed... It’s easy to praise God when things are going our way, but it is truly healing to continue worshiping Him when going through setbacks because our Creator is generous with His Love & healing.) (NITZ MIRALLES)