Ni NITZ MIRALLES

GUSTO namin ang bagong hairstyle ni Ken Chan nang makita’t makausap namin sandali sa taping ng Destiny Rose. 

Mas bumagay sa kanya ang estilo ng buhok na inalis ang kulot-kulot, pero bawal pang i-post dahil hindi pa umeere ang eksena.

Sinulat namin kamakailan ang panawagan ni Ken na tulungan siyang mamili ng bagong hairstyle at marami ang sumagot. Ibinagay sa bagong ayos ng buhok ni Ken ang kanyang make-up na mas lalong nagpaganda sa karakter niya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Malapit nang magtapos ang Destiny Rose and after two extension, magtatapos ito sa second Friday ng March.

“Nalulungkot ako na malapit na kaming magtapos dahil naging isang pamilya kami rito. Kahit nagbabangayan kami ni Katrina (Halili) at Irma (Adlawan) sa screen, off-cam, close kami. Pero blessed ako rin ako na umabot kami sa two seasons.

Wala pang next soap sa GMA-7 si Ken at kung bibigyan siya, gusto niyang malayo sa karakter ni Destiny Rose para hindi siya ma-typecast at para ipakita sa viewers na kaya niyang gumanap sa kahit na anong role.

Nagbiro si Ken na hindi na siya sa Australia magpapagpag ng transwoman role niya kundi sa Thailand na at isasabay na niya ang pagpapagupit sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Para pagbalik niya, girl na siya. Maniniwala na sana kami, kaya lang, nag-dialogue siya ng, “Joke!” 

Pero nakakaduda na si Ken, ha!

Succesful ang airing ng Destiny Rose at tinanggap si Ken sa role niya bilang transwoman. Nakalulungkot lang na kinailangan nilang mag-break ng girlfriend niya na kaya hindi nabalita dahil non-showbiz.

“Kalahati pa lang ng Destiny Rose, break na kami. Problema namin time at gusto ko ring mag-focus muna sa show. Kung magkakaroon ng balikan ngayong magtatapos na ang show, tingnan natin,” kuwento ni Ken.