Nagbabala ang National Food Authority (NFA) sa mga rice importer at kooperatiba na dapat silang tumalima sa batas at tiyaking kumpleto sa mga dokumento at permit upang makapagpasok ng bigas sa bansa.

Ito ay matapos na madiskubre ang P45-milyon bigas na inangkat ng Calumpit Multipurpose Cooperative mula sa Thailand nang walang kaukulang importation document.

Ayon kay NFA Administrator Renan Dalisay, kahit may import permit ang pribadong importer, kailangan pa ring mag-apply ng panibagong import permit kapag dumating na sa bansa ang shipment ng mga ito.

Una nang inihayag ng NFA na hindi kailangang mag-angkat ngayong unang bahagi ng taon, dahil sapat ang supply ng bigas hanggang sa Hunyo. - Jun Fabon
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji